REAKSYONG PAPEL
Ang tekstong isinalin ni Rolando A. Bernales na pinamagatang “Minsan May Isang Doktor”, ay isang kuwento kung saan tayo ay makakapulot ng aral na maaari nating magamit sa ating mga buhay. Ipinapakita nito ang mga hamon at sakripisyo sa buhay ng isang doktor sa paggawa ng kaniyang tungkulin. Sa kabilang banda, nagpapakita rin ito ng kahalagahan ng pagiging matatag sa kabila ng kinakaharap na problema. Ang mga problema ay nararanasan ng lahat ng tao, dahil walang tao na perpekto. Babae man o lalaki, bata man o matanda, mayaman man o mahirap, tayong lahat ay may mga problemang kinakaharap. Pero sa kabila nito, hindi dapat tayo gumagawa ng aksiyon na maaaring makasakit sa ating kapwa. Kagaya na lamang ng ama na nasa kuwento, dahil sa nararamdaman niyang labis na pangamba sa kaniyang anak na nasa kritikal na sitwasyon ay napagsalitaan niya nang hindi maganda ang doktor. Kahit na masakit para sa kaniya ang pagdurusa ng kaniyang anak, hindi ganoon ang pa...